Posts

Showing posts from May, 2019

Salamin (Part 1)

SALAMIN (PART ONE) Ang kuwento na ito ay “fiction” o kathang isip lamang... Una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa pagbahagi sa aking kuwento. Pangalawa naman po ay gusto ko pong manghingi ng pasensya sa pautal-utal, wrong grammar at wrong spelling ko na Tagalog. Hindi po kasi ako sanay gumawa ng kuwento sa katagang Tagalog. Pasensya na rin po kung may pagka-Taglish ang kuwento na ito dahil mas sanay akong gumamit ng salita o terminong Ingles. Sige po, start na tayo... +++ Si Zakeo Salazar ay isang propesyonal na detective sa lungsod ng Fortaleza. Dati siyang pulis sa Maynila ngunit, matapos siyang may makitang pangyayari na hindi niya dapat nakita ay nag-resign siya. Ngayon, isa na lamang siyang detective sa Fortaleza at ang madalas niyang mga kaso ay mga problema sa pamilya, pangangaliwa ng asawa at ang madalas na issue ng mga scam. Isang gabi, may dumating siyang kliyente na hindi niya inaasahan. “Ay good evening po, Mrs. Tuazon,” gunita niya s...

"Rebulto"

Kumusta mga mambabasa. Tawagin niyo na lang po akong “Terry”. Ito po ang unang kuwento na ibabahagi ko sa lahat kaya pasensya na kung hindi siya kasing ganda sa karamihan ng mga istorya na nabasa or narinig niyo na. O, tahimik na at magsisimula na tayo... Laking tuwa ni Goyo ng masunog ang rebulto sa Simbahan ng San Bernardo. Pinilit niyang magkunwari sa kanyang mga magulang at maging sa kanyang mga guro na nalulungkot din siya na natupok ng apoy ang nasabing simbahan. Pero kapag naiisa siya at sigurado na wala ng nakakakita sa kanya ay napapangiti at nakakahinga siya ng maluwag. Ang totoo kasi ay matagal na niyang pinapangarap na mawala ang nasabing rebulto. Matagal na itong dinadagsa ng mga taga-ibang bayan at maging mga dayuhan dahil naghihimala daw ito. Kaya daw nitong magpagaling ng mga may sakit at mga may karamdaman. Ngunit matagal ng pinagdududahan at pinaghihinalaan ni Goyo ang nasabing rebulto. Noong una pa lang siyang dinala ng kanyang ina sa Simbahan ng S...